6 na araw nawala, natagpuang patay

CAVITE, Philippines – Isang 59-anyos na mister ang natagpuang patay at ibinalot sa dahon ng saging  matapos itong mawala ng may 6 na araw, kamakalawa sa Governors Hills Subdivision sa Brgy. Manggahan, Gen Trias sa Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edgar Tupue, 59, residente ng Brgy. Biclatan Gen Trias Cavite. Wala pa namang matukoy na suspek ang pulisya sa insidente.

Sa imbestigasyon ni PO1 Mark Christian Capili, may hawak ng kaso, alas-12:30 ng tanghali nang matagpuan ng duty guard ng nasabing subdivision ang katawan ng biktima na nakabalot sa dahon ng saging. 

Agad itong itinawag sa pulisya at sa pagsisiyasat napag-alaman na umalis umano ang biktima kasama ang pinsan nito na si Robert Concepcion sa kanilang bahay noong Disyembre 18, subalit simula noon ay hindi na ito nakauwi pa, gayundin ang kasamang pinsan.

Disyembre 22 ng ipa-blotter umano nila ito sa pulisya, at nito ngang pasko ay natagpuan ito na may malalim na saksak sa tiyan. Sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa ng pulisya ang kasama nitong pinsan na hindi na rin natagpuan.

Show comments