2 sugatan sa karambola ng 6 sasakyan

BULACAN, Philippines --- Anim na sasakyan ang nawasak habang dalawang katao naman ang   nasugatan sa naganap na karambola ng mga ito habang pa-exit ng North Luzon Expressway sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kaagad namang nalapatan ng paunang lunas ang mga biktima na kinilalang sina Mary Xu, 21,Chinese national at Aaron Kidweng, 44.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ferdinand Cabuhat dakong alas- 2:00 ng hapon habang nakapila ang mga sasakyang Toyota Innova (AAE-8674) na minamaneho ni Jonathan San Antonio 24, Mitsubishi Canter Jeepney (TPN-882) ni Jonard Agustin 38, Mitsubishi Lancer (AES-981) ni Zosimo Sta. Ana, Isuzu MU-X ( AAU-7159) ni Alexander Bernanrdo at Toyota Innova (SKW-4524) na minamaneho naman ni Antonio Buan 61 sa exit ng NLEX sa Bocaue, Bulacan  ng biglang dumating ang isang Isuzu Elf alluminum van (RLY-493) na minamaneho ni Antonio Dela Alas 50 ng Brgy. Santiago, Sto.Tomas, Batangas saka binangga ang hulihang bahagi ng Toyota Innova ni San Antonio na naging dahilan upang banggain ang iba pang nabanggit na sasakyan na nakapila.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

 

Show comments