Ex-Army inutas ng karibal

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak at napatay ang 38-anyos na dating sundalo ng kanyang karibal sa pag-ibig sa Barangay Poblacion sa Passi City, Iloilo kamakalawa. Napuruhan sa ulo at leeg ang biktimang si Alberto Berdonar habang tinutugis naman ang suspek na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan. Sa ulat ni P/ Supt. Hector Maestral na isinumite sa Camp Crame, ang biktima ay tubong General Santos City at nanunuluyan lamang sa Passi City dahil sa babae nitong may-asawa. Lumilitaw na nakatayo ang biktima nang lapitan at saksakin ng suspek na pinaniniwalaang karibal nito sa pag-ibig.

Show comments