^

Probinsiya

2 minero dinedo ng kabaro

Francis Elevado at Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinaniniwalaang alitan sa pagmimina ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang minero ng kanilang kabarong minero sa Sitio Maning, Barangay Casalugan sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Rommel Labarro ang mga biktima na sina Gregorio Nicodemos, 57; Niño Nicodemos, 21, mga nakatira sa Barangay Dalnac. Sugatan naman si Bayani Inalisan, 51, ng Barangay Malacbang habang nakaligtas naman kay kamatayan si Chris Nicodemos, 27. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Anthony Villaflores, 30; at Louie Vergara, 24, mga nakatira sa Purok 6 , Barangay Parang, bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Base sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Victor Deona, naganap ang pamamaslang habang ang mga biktima ay nasa minahan bandang alas-7:30 ng umaga.

vuukle comment

BARANGAY CASALUGAN

BARANGAY DALNAC

BARANGAY MALACBANG

BARANGAY PARANG

BAYANI INALISAN

CAMARINES NORTE

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CHRIS NICODEMOS

GREGORIO NICODEMOS

JOSE PANGANIBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with