5 tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang lima-katao makaraang ares­tuhin ng mga operatiba ng pulisya sa aktong nagpa-pot session sa Barangay Santol, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na  sina Lauro “Yayie” Feliciano, Evangeline Salazar, Romeo Tamayo, Glen Matiga, at si Alexander Placido na pawang nakatira sa Northville 6, Brgy. Santol at sa Brgy. Bunsuran 1st sa bayan ng Pandi, Bulacan. Sa ulat ni P/Chief Insp. Voltaire Rivera, naunang dinakip si Feliciano sa isinagawang buy-bust operation habang ang apat ay naaktuhan sa pot session sa loob ng bahay. Narekober sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, at mark money na ginamit sa operasyon.

Show comments