P.5-M krudo hinaydyak

CAVITE, Philippines – Tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng krudo na lulan ng delivery truck ang hinaydyak ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng South Luzon Express sa bayan ng Carmona, Cavite kahapon ng madaling araw. Inabandona ang driver ng truck (RKN-248) na si Rey Castro sa bahagi ng Barangay Mabuhay sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ni P02 Gilbert Centeno, pansamantalang ipinarada ni Castro ang minamanehong truck para dyuminggle nang maganap ang insidente. Tinakpan ang mga mata ni Castro saka siya inabandona sa nasabing lugar. Tinangay ng mga hijacker ang truck na kargado ng P.5 milyong halaga ng krudo.

Show comments