MAGUINDANAO, Philippines – Nakaambang mawalan ng trabaho anumang araw ang isang libo at limang daang kawani ng banana plantation na magsasara dahil sa lumalalang problema sa seguridad sa bayan ng Datu Abdula Sangki, Maguindanao. Kinumpirma ni Department of Labor and Employment-ARMM Sec. Muslimin Jakilan na nakatanggap sila ng sulat mula sa Delinanas Banana Development Corp. na plano ngayon ng kompanya na itigil ang operasyon dahil sa isyu ng seguridad. Maging si ARMM-Business Council President Haron Bandila ay kinumpirma ang plano ng nasabing plantasyon na magsara dahil sa problemang nararanasan sa lupain. Kasalukuyan namang patuloy na gumagawa ng paraan ang pamahalaan ng ARMM para matulungan ang kompanya kaugnay sa kinakaharap na problema upang hindi matigil ang operasyon ng plantasyon.