Bukidnon bombing terorista ang may gawa – AFP

MANILA, Philippines –  Isang terrorist act ang pambobomba sa isang bus sa Bukidnon kahapon, kung saan 11 katao ang nasawi, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Miyerkules.

Kinondena ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla ang pag-atake na ikinasugat din ng 21 katao.

Karamihan sa mga biktima ay pawang mga estudyane ng Central Mindanao University.

Inaalam pa rin ng militar, sa pakikipagtulungan sa pulisya kung sinong grupo ang nasa likod ng pag-atake.

Inabisuhan ni Padilla ang publiko na maging alerto sa kapaligiran at makipagtulungan sa kanila upang maresolba ang kaso.

Patungo sana ng Cagayan de Oro City ang bus galing ng Wao, Lanao del Sur nang mangyari ang insidente bandang 5:30 ng hapon.

Show comments