Barangay tanod itinumba

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang 42-anyos na barangay tanod habang sugatan naman ang kanyang misis matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa barangay outpost kamakalawa ng gabi sa Barangay Abuyog, East District sa Sorsogon City, Sorsogon. Kinilala ang napatay na si Boyet Equipado Del Cruz, dating miyembro ng Cafgu habang sugatan naman na isinugod sa Sorsogon Provincial Hospital ang misis na si Laguidao Hagos, 48. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na naka-duty ang biktima sa barangay outpost nang lapitan at ratratin ng tandem kung saan tinamaan ng ligaw na bala ng baril ang kanyang misis na napagawi sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang 18 basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang pagsisiyasat.

Show comments