Bike vs kotse: 2 dedo, 1 grabe

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang isa naman ang malubha matapos magsalpukan ang kotse at motorsiklo sa kahabaan ng Manila-Cavite Road sa Barangay Dalahican, Cavite City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Norman Gavilla ng Sitio Maguyam, bayan ng Silang, Cavite; at Albert Bobadilla, 36, ng Baragay Amaya 7, bayan ng Tanza, Cavite habang kritikal naman ang driver ng motorsiklo na si Ramon Vallejo, 53, ng bayan ng Maligaya, Nueva Ecija.

Arestado naman ang driver ng kotse na si Dr. Erickson Gob, 43, member ng Phil. Navy Medical Corp, ng Block 9 Lot 13 Phase C, Imus City, Cavite.

Ayon kay P03 Jonathan Baclas, nag-overtake ang Mitsubishi Lancer (TGI-453) ni Gob sa sinusundang sasakyan kaya nakasalubong ang motorsiklo ng mga biktima pagsapit sa nabanggit na lugar.

Show comments