Mister kinatay sa P150 utang

ILOILO, Philippines – Dahil sa P150 pagkakautang na hindi nabayaran, napatay ang  52-anyos na mister matapos pagtatagain ng kanyang kapitbahay na lalaki sa bayan ng Barotac, Iloilo noong Martes ng gabi.

Napuruhan sa leeg, mukha at braso ang biktimang si Nicolas Paciente ng Barangay Tiwi habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ramil Belalo.

Base sa police report, inaayos ng biktima ang  pagtutulugan sa  kanyang bahay nang pumasok ang  suspek para manigil ng pautang na P150.

Ayon kay P/Inspector Sullen Domingo, hepe ng Barotac Nuevo PNP, nakiusap naman si Paciente na ipagpaliban ang paniningil dahil sa kawalan nito ng pambayad.

Naisugod sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City pero idineklarang patay

Gayon pa man, umalis ang suspek at nakipag-inuman sa ilang kaibigan kung saan binalikan ang biktimang natutulog saka isinagawa ang pamamaslang. Freeman News Service

Show comments