Ama dinedo sa birthday ng anak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sa halip na makipagsaya sa inuman ay bala ng baril ang itinugon ng isang bangag na magsasaka sa kanyang kabaro sa mismong kasiyahan ng birthday celebration ng anak nito sa Barangay Cataratan, bayan ng Allacapan, Cagayan kamakalawa. ?Hindi na umabot ng buhay sa Bangag Community Hospital ang 44-anyos na si Manny Labbao matapos mapuruhan ng bala ng cal.45 psitol sa dibdib habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Julius Hilario. Ayon kay PO2 Saturnino Calimag, bangag ang suspek nang imbitahan ng biktima na nakipag-inuman dahil sa birthday ng anak na si Mark John.

Show comments