3 dedo sa paghuhukay ng balon

BATANGAS, Philippines – Tatlong magkakamag-anak ang namatay matapos na ma-suffocate habang naghuhukay ng balon sa bayan ng Nasugbu kahapon ng tanghali. Kinilala ng Nasugbu PNP ang mga  biktima na sina Roman Dastas, 48; Junmar Dastas, 23; at si Jayvee Abreu, 21, mga residente sa Sitio Anahaw 2, Barangay Maugat sa nasabing bayan. Ayon sa police report, uma­bot na sa 20-talampakang lalim ang hinuhukay na balon ng mga biktima nang bigla na lang mawalan ng malay ang mga ito bandang alas-12 ng tanghali. Isinugod pa sa ospital ang mga biktima pero idineklarang patay sa emergency room ng mga doctor.

 

Show comments