Pulis sinampal ng trader

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 36-anyos na negosyanteng misis na pinaniniwalaang lango sa droga matapos magwala sa presinto at nanampal pa ng policewoman kamakalawa sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ni PO3 Stephen Pattaui ang inaresto na si Aileen Aguirre ng Peñablanca, Cagayan.?

Base sa police report, unang dinala sa presinto si Aguirre kasama ang kaibigang si Karyna Foronda matapos manggulo sa bar sa Magallanes Street kung saan sinundo na lamang ng kanyang mister na umuwi.?

Gayon pa man, bumalik si Aguirre sa presinto makalipas ang ilang minuto sakay ng kotse kung saan muling nanggulo at pinagmumura ang mga pulis. Sinapak pa ang policewoman na si PO2 Joyce Calubaquib na nagtangka siyang pakalmahin.?

Sa pahintulot ng mister ni Aguirre na sumunod sa presinto ay hinalughog ng mga pulis ang kotse ng ginang kung saan natagpuan ang isang gramong pinatuyong dahon ng marijuana na nakaipit sa driver’s seat.?

Patung patong na kasong kriminal ang isinampa sa nasabing trader.

Show comments