Mister iniwan ng misis, nagbigti

QUEZON, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 31-anyos na tsuper ng jeepney na sinasabing hiniwalayan ng kanyang misis at anak matapos itong magbigti, kamakalawa ng umaga sa Sitio Bherick, General Luna Street, Barangay Castillo sa bayan ng Pagbilao, Quezon. Dakong alas-5 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa kisame ng kuwarto ang biktimang si Jojo Ayson. Huling namataang buhay ang biktima na nakipag-inuman hanggang sa pumasok ng  bahay bago isinagawa ang pagpapakamatay gamit ang plastic straw. Pinaniniwalaang nangulila ang biktima matapos iwanan ng asawa’t anak dahil sa problema sa kanilang pamilya. Narekober sa kama ng biktima ang suicide note kung saan nakasaad na ipinasya nitong tapusin na lamang ang buhay sa halip na habambuhay na dumanas ng depresyon.

Show comments