^

Probinsiya

OFW binoga ng pulis-Caloocan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isa na namang pulis na lango sa alak na pagpapabagsak sa imahe ng kapulisan sa bansa ang nahaharap sa kasong administratibo at kriminal matapos nitong barilin at malubhang nasugatan ang isang overseas Filipino worker sa Barangay Loma De Gato, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si PO1 Mark Anthony Cabanting, 28, ng Caloocan City PNP at nakatira sa Metro Gate Heritage Subdivision sa nasabing barangay. Kasalukuyan nakikipaglaban kay kamatayan matapos tamaan ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Ge­naro Manalon, 40, ng Manalon Compound sa nasabing lugar.

Base sa police report, tinangkang awatin ng biktima ang kanyang pamangking si Roel at ang trike driver na si Josua Lee Salupas matapos sumiklab ang kaguluhan. Tinangka ring awatin ng biktima ang suspek na sinasabing lango sa alak sa pagpalo sa dalawang nagkakarambulan subalit binoga siya nito.

Bagama’t sugatan ay na­agaw ng ilang residente ang baril ng suspek saka inaresto ni PO2 Jerome Fresnillo na ru­mesponde sa kaguluhan.

BAGAMA

BARANGAY LOMA DE GATO

BULACAN

CALOOCAN CITY

JEROME FRESNILLO

JOSUA LEE SALUPAS

MANALON COMPOUND

MARK ANTHONY CABANTING

METRO GATE HERITAGE SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with