TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tinatayang aabot sa 2,000 delivery boxes ng mga kontrabandong sigarilyo mula Europe at China ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard at Bureau of Customs matapos itong ipuslit ng Taiwanese vessel sa Port of Currimao, Ilocos Norte noong nakalipas na linggo.?
Sa ulat ni Commodore Pablo Gonzales Jr., kumander ng Coast Guard North Western Luzon, iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Custom ang skipper ng barko na si Capt. Chen Yonji Ji na isang Taiwanese at anim nitong tripulante kaugnay sa pagpupuslit ng kontrabandong sigarilyong MM Charcoal mula Europe at Golden Bridge at Dubliss mula pa ng Xiamen, China.?
Ayon kay Gonzales, ang mga kontrabando na nakabalot pa sa itim na garbage bag kada kahon ay isinakay sa 10-wheeler truck at Elf truck ay dinala na sa himpilan ng Coast Guard sa Currimao.?
Napag-alamang naka-consign ang kontrabando sa isang Bumijaya Enterprises.