Ex-Phil. Air Force inutas ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 27- anyos na da­ting miyembro ng Phil. Air Force matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army habang abala sa paglilinis ng kanyang bakuran kahapon ng umaga sa Barangay Tinampo, bayan ng Irosin, Sorsogon. Dakong alas-10 ng umaga nang lapitan at ratratin ng limang rebelde ang biktimang si Alvin Galindez sa likuran ng kanyang bahay. Nagkalat ang mga gamit ng biktima sa loob ng kanyang bahay na pinaniniwalaang hinahanap ang baril na dating gamit ng biktima. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M-16 Armalite rifle at cal. 45 pistol.

Show comments