^

Probinsiya

Mayor, trader kinasuhan sa Ombudsman

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang grupo ng mga magulang ang nagsampa sa Ombudsman ng kasong graft laban kina Bayambang, Pangasinan Mayor Ricardo Camacho at negosyanteng si Willy Chua dahil sa umano’y maanomalyang land swap deal ng mga nasasakdal para sa Ba­yambang Central School. Inihain ng Parent-Teachers Association sa pangunguna ni Filipinas Alcantara ang 8-pahinang reklamo dahil sa sinasabing pagpapalipat ng Bayambang Central School sa isang lupain ni Chua. Pinuna ni Alcantara na pinilit umano ni Camacho na lumipat sa bagong lokasyon ang mga guro, estudyante at tauhan ng eskuwelahan nang walang inilalatag na tamang plano. Ayon pa sa PTA, hindi sinangguni sa naturang hakbang ang Department of Education, mga guro, magulang at estudyante. Sinabi ni Alcantarta na malinaw na labag sa batas ang land-swap deal nina Camacho at Chua sa kabila ng pagtutol mismo ng Department of Education dahil mahigit 2,000 estudyante ang apektado nito. Wika pa ni Alcantara, ang pinaglipatan ng paaralan na lupa ni Chua ay nabili lamang nito ng P150,000 noong 2010 habang ang mahigit P100 milyon ang market value ng lote ng BCS. 

BAYAMBANG CENTRAL SCHOOL

CAMACHO

CENTRAL SCHOOL

CHUA

DEPARTMENT OF EDUCATION

FILIPINAS ALCANTARA

PANGASINAN MAYOR RICARDO CAMACHO

PARENT-TEACHERS ASSOCIATION

WILLY CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with