Amazonang lider ng NPA, tiklo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Arestado ang sinasabing amazonang lider ng mga rebeldeng New People’s Army sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay District3 , bayan ng San Jacinto, Masbate kamakalawa ng hapon. Isinailalim sa tacrical interrogation ang suspek na si Yvhonie Victor 32, alyas Kumander Pinang at nakatira sa Barangay Amotag, bayan ng Aroroy, Masbate. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Victor P. Deona, ang suspek ay naaresto sa Aldrich Lodging House sa Altarejos Street sa harapan mismo ng himpilan ng pulisya sa nasabing bayan. Napag-alamang nagpanggap na miyembro ng PNP at nagpasama sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan bago arestuhin ng pulisya. 

Show comments