Fans ni Pacman dinedo ng kainuman

QUEZON, Philippines – Pinaniniwalaang matinding pagtatalo sa kahahantungan ng laban ni Manny Pacquiao kay Chris Algieri kaya binaril at napatay ang 47-anyos na magsasaka ng kanyang kainuman sa Barangay Silangang Malicboy, bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa ng umaga. Napag-alamang nakikipag-inuman ang biktimang si Juanito Pitogo sa isang di-kilalang lalaki nang pagtalunan ang laban ng dalawang boksingero.  Nabatid na ang biktima ay masigasig na tagahanga ni Pacman habang ang suspek naman ay tagahanga ni Algieri kung saan iginiit nitong mananalo ang kanyang manok. Gayon pa man, nagpaalam na lang ang biktima sa halip na makipagtalo subalit napikon ang suspek kaya inabangan at binoga ang biktima habang ito ay pauwi.

Show comments