Kinidnap na intsik, pinaghahanap

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad sa isang negosyanteng Intsik na kinidnap ng hindi pa nakilalang mga armadong grupo noong Nobyembre 15 matapos itong tambangan sa Brgy. Asinga, Baggao, Cagayan.

?Sa ulat na nakarating kay Cagayan Police Director Sr. Supt. Ronaldo Olay, sinampahan na ng kasong kriminal si Brgy. Chairman Samson Ballesteros at iba pang opisyal ng barangay na pangunahing suspek sa insidente. Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ali­tan sa lupa ang puno’t dulo ng  pamamaril at panghoholdap ng mga suspek sa biktimang si Juan Go sa nasabing lugar. Samantalang nasugatan rin sa insidente ang ilang tauhan ni Go na nabigo pa ring matukoy kung saan dinala ng mga suspek.

Show comments