^

Probinsiya

Oxygen tank explosion: trader utas, 4 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkagutaygutay ang katawan ng isang negos­yante habang sugatan naman ang apat nitong em­pleyado makaraang suma­bog ang tangke ng oxygen sa welding shop  na pag-aari ng una sa  Brgy. Baliwagan, Balamban, Cebu kamaka­lawa.

Sa ulat ng Cebu Police, kinilala ang nasawi na si Marquel Pilapil, anak ni Balamban Councilor Abel Pilapil.

Ayon sa pulisya, unang isinugod sa Balamban District Hospital ang mga sugatang  sina  Grace Capangpangan, kalihim ni Pilapil; Ranulfo Minoras, Nestor Pinili at si Angelo Babor pero dahilan sa maselan ng mga itong kalagayan ay inilipat sa pagamutan sa Cebu City.

Samantalang masu­werte  namang nakaligtas at hindi nasugatan ang isa pang kasamahan ng mga ito na si Edwin Malinao.

Bandang alas-10 ng umaga ng maganap ang insidente sa bisinidad ng welding shop ni Pilapil sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon  pinuputol ni Pinili ang ilang bahagi ng isang lumang truck crane habang nakamasid naman si Pilapil nang biglang sumingaw ang tangke na  habang pilit isinasara ay biglang sumabog. Ang nasabing tangke ay dating acetylene tank na nilagyan lamang ng oxygen.

Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang  ilang bahagi ng sumabog na tangke may 250 metro ang layo sa naturang welding shop.

ANGELO BABOR

AYON

BALAMBAN COUNCILOR ABEL PILAPIL

BALAMBAN DISTRICT HOSPITAL

CEBU CITY

CEBU POLICE

EDWIN MALINAO

GRACE CAPANGPANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with