Driver ng ambulance, nilikida

BATANGAS, Philippines - Napatay ang 32-anyos na ambulance driver matapos itong tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Magapi, bayan ng Balete, Batangas kahapon ng umaga. Base sa police report, sakay ng kanyang ambulansya si Eric Bathan at papasok na sana sa trabaho sa Balete Municipal Health Office nang pagbabarilin ng tandem pagsapit sa nasabing barangay bandang alas-7 ng umaga. “Nakatakbo pa ang biktimang papalayo kahit sugatan pero hinabol ng gunman saka muling pinagbabaril,” pahayag ni P/Senior Inspector Allan Reyes.

Show comments