Ama dinedo sa harap ng asawa

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 42-anyos na ama matapos itong pagtulungang saksakin ng dalawang di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang misis kahapon ng madaling araw sa Barangay Talaba II, Bacoor City, Cavite. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Rased Sapadas, construction worker at nakatira sa nasabing barangay. Lumitaw na  nakipag-inuman ang mag-asawa sa isang kaibigan sa Kawayanan Longos, Brgy.  Zapote V kung saan bandang alas-2 ng madaling-araw nang magpasiyang umuwi.? Gayon pa man, habang naglalakad ang mag-asawa ay biglang napagtripang nilapitan  at pagsasaksakin ang biktima hanggang sa mapatay.

 

Show comments