Obrero dinedo dahil sa ‘My Way’

BULACAN, Philippines – Napatay ang 49-anyos na mister na sinasabing nambulabog ng kumakanta ng “My Way” matapos itong suntukin ng kanyang kainuman sa Barangay Citrus, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Sapang Palay District Hospital ang biktimang si Ceasar Gazo, 49, ng Area G, Brgy. Citrus sa nabanggit na bayan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Jonel Toledo. Sa imbestigasyon ni PO2 Mark Democrito, nakikipag-inuman ang biktima nang bulabugin nito ang suspek na kumakanta ng “My Way”. Kinompronta ng suspek ang biktima at sinuntok ito sa mukha dahil sa pagkaantala ng karaoke na tumugtog ng “My Way”. Hindi na nakaba­ngon pa ang biktima sa pagkakahandusay kaya isinugod sa ospital subalit namatay din dahil sa matinding suntok sa mukha. 

Show comments