2 tinedyer pinabulagta

MANILA, Philippines – Dalawang tinedyer ang napatay makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen habang nagpapahangin sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Lagao sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Jomarie Jimello, at Jun-Jun Casing, kapwa 17-anyos at nakatira sa Purok 19 sa nasabing barangay.

Bandang alas-11:30  ng gabi habang nagpapaha­ngin at nagkukuwentuhan ang mga biktima kasama ang ilang kaibigan nang hintuan at ratratin ng tandem.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang sinisilip ng pulisya ang anggulong clan war o matinding alitan ng kani-kanilang grupo ng tinedyer.

Show comments