^

Probinsiya

Barangay kagawad, nilikida

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 59-anyos na barangay kagawad matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Tenorio, Awang, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo si Kagawad Melencio Ramogon, Teduray IP leader at nakatira sa Sitio Bahar, Brgy. Pandan sa bayan ng South Upi, Maguindanao. Nabatid na bibili sana ng pagkain si Ramogon sa karinderya nang lapitan at barilin sa ulo ng gunman pagsapit  nito sa harap ng St. John Episcopal Church. Narekober  sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip na anggulo ng pulisya ay awayan sa lupain ang isa sa motibo sa pamamaril.

AWANG

BARANGAY TENORIO

BRGY

DATU ODIN SINSUAT

KAGAWAD MELENCIO RAMOGON

KAMATAYAN

MAGUINDANAO

NABATID

SITIO BAHAR

SOUTH UPI

ST. JOHN EPISCOPAL CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with