Lola arestado sa buy- bust

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 56-anyos na  lola matapos itong masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust operation sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Emma Ahmad”Sarahima” Abubakar ng Barangay Santo Tomas, bayan ng Mutia, Zamboanga del Norte. Si Abubakar ay lola ni Nadzhul Alih na sinasabing lider ng Alih Drug Group. Nadakip ang suspek ng mga tauhan ng PDEA sa pamumuno ni Director Joseph Ladip matapos ang buy-bust operation sa pamilihang bayan ng Zamboanga City. Nasamsam sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu na 50 gramo, mga drug paraphernalia, at ang P500 mark money na ginamit sa operasyon.

Show comments