Inhinyero sumablay sa kamatayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 50-anyos na engineer-contractor ng government Irrigation project sa Isabela matapos sumablay ang bala ng bagitong gunman sa kanyang ulo kamakalawa sa Barangay Abot, bayan ng Quezon, Isabela. ?Sa ulat ni P/Senior Insp. Jhun-jhun Balisi, hepe ng Quezon PNP, buhok na lamang ang pagitan upang mapuruhan ang ulo ng biktimang sa Engr. Angel Pangilinan ng Cabanatuan City subalit sa halip ay nadaplisan lamang ang mukha nito.? Agad na tumakbong patakas ang gunman matapos ang pamamaril sa biktima kung saan pinaniniwalaang may kaugnayan sa trabaho at personal na alitan ang isa sa motibo sa pag-atake ng di-kilalang lalaki. 

Show comments