Ina kinatay ng anak na baliw

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 76-anyos na ina matapos itong pagsasaksakin ng kanyang anak na sinasabing may diperensya sa pag-iisip sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Agol, bayan ng Pio Duran, Albay kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Felomina Llona habang naaresto naman ang suspek na si Rogelio Llona, 49, binata, at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, nag-iisang natutulog ang biktima nang pasukin sa silid at pagsasaksakin ng suspek na sinasabing wala sa katinuan ang pag-iisip. Kaagad namang rumesponde ang mga barangay tanod makaraang marinig ang palahaw ng biktima na humihingi ng saklolo.

Show comments