64-anyos lola inutas sa balon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Love triangle ang isa sa pinaniniwalaang motibo kaya brutal na pinatay ang 64-anyos na lola matapos itong  pagtatagain ng dalawang di-kilalang lalaki sa Barangay San Rafael, bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa ng gabi.? Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Virgilio Abillera, inabangan ng dalawang lalaki ang biktimang si Mercedita Dela Cruz na sumalok ng tubig sa balon sa likuran ng kanyang bahay saka pinagtulungang tagain. Nasaksihan ng kasamang apo ng biktima na si Jomar Matusalem ang naganap na krimen subalit hindi naman sinaktan ito ng mga suspek. ?Pinaniniwalaan ng pulisya na karelasyon ng mister ng biktima ang misis ng isa sa suspek habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments