Sundalo ng Phil. Marine, nagbigti

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa kabuhayan ang 27-anyos na sundalo ng Phil. Marine kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bodega kahapon ng umaga sa Barangay Bagong Kalsada, bayan ng Naic, Cavite. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Aries John Plata na dating overseas Filipino worker at nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay P01 Mark Allan Arcusa, hu­ling namataang buhay ang biktima na pumasok sa kanyang silid kung saan nag-text pa ito sa kanyang kasintahan ng pamamaalam.

Show comments