6-anyos pisak sa jeepney

CAMARINES NORTE, Philippines - Gumuho ang pangarap ng mga magulang ng 6-anyos na batang lalaki matapos itong masagasaan at makaladkad ng pampasaherong jeepney sa kahabaan ng provincial road sa Barangay San Juan, bayan ng Gainza, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Halos madurog ang katawan ni Joseph Barajas Jr., matapos na salpukin ng jeepney (EVJ 373) na minamaneho ni Salvador Estuya, 63, ng San Francisco Street sa nasabing bayan. Napag-alamang patawid sa kalsada ang biktima mula sa eskuwelahan nang mahagip ng sasakyan kung saan naisugod pa ito sa Bicol Medical Center subalit namatay din. Sumuko naman ang driver ng jeepney kung saan nahaharap sa kasong kriminal.

 

Show comments