Election officer itinumba

MANILA, Philippines – Napaslang ang 42-anyos na municipal election officer habang isa namang bystander ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Kasangyangan Jolo, Sulu noong Martes ng umaga. Kinilala ni Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Force Sulu ang biktima na si Mergani Wahid, election officer sa bayan ng Tapul at residente ng Barangay Kasulutan, Jolo. Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktimang nakamotorsiklo mula sa paghahatid ng kanyang anak na babae sa Notre Dame of Jolo for Girls nang ratratin ng gunmen bandang alas-7 ng umaga. Samantala, isa namang bystander na si Alsaid Idzmar ang nasugatan matapos itong tamaan ng bala ng cal. 45 pistol sa kaliwang hita habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments