4 tiklo sa illegal mining

CAMARINES NORTE, Philippines - Kalaboso ang apat na minero makaraang maaktuhan sa illegal mining sa Sitio Maning, Barangay Casalugan sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Danilo Valeros, 41; Bryan Baluca, 29, kapwa  nakatira sa Brgy. Bagumbayan sa bayan ng Paracale; Alvin Pro, 20, ng Brgy. Mampili sa bayan ng Basud; at si Patrick Hernandez, 33, ng Brgy. Mancurz sa bayan ng Daet. Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Wilmor Halamani, hepe ng Paracale PNP, bandang alas-10:45 ng umaga nang arestuhin ang mga suspek kung saan nasamsam ang mga gamit sa pagmimina kabilang na ang isang yunit ng generator at ilang sako na naglalaman ng mining ore.

 

Show comments