Abu Sayyaf dedo sa air strike

MANILA, Philippines – Napaslang sa air strike ang isang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa pagpapatuloy ng air strike operations sa lalawigan ng Sulu kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Col. Alan Arrojado, Commander ng AFP Joint Task Group Sulu, bandang alas -9:12 ng gabi nang maglunsad ng aerial attack ang MG520 ng Philippine Air Force (PAF) sa Brgy Buhanginan, Patikul, Sulu.

Kinilala ni Arrojado, ang napaslang na umano’y ASG member na si Sabri Modja, tagasunod ni ASG Sub Commander Arod Wahing na nakabase sa Brgy. Bud Bunga, Talipao, Sulu.

Sinabi ni Arrojado, base sa nakalap nilang intelligence report ay nasapul sa air strike  na ginamitan ng M60 machine gun na pinakawalan ng PAF bomber plane si Modja.

Nabatid na target ng tropa ng pamahalaan na malipol ang nalalabi pang puwersa ng mga bandido upang tuldukan ang mga kaso ng kidnapping sa lalawigan.

Show comments