Drug pusher dinedo ng kabaro

BULACAN, Philippines - Napatay ang 29-anyos na drug pusher habang malubha naman ang isa pa makaraang pagbabarilin ng kapwa drug pusher sa Barangay Sta. Cruz III, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ritchie Guarin habang nakikipaglaban kay kamatayan sa Sapang Palay District Hospital ang kasama nitong si Mark Ciego, 29, kapwa nakatira sa Area D, Barangay Sta. Cruz sa nasabing lungsod. Pinaghahanap ng pulisya ang dalawang suspek na nakilala lamang ang isa na si Walid Sulaiman Jr. Ayon kay PO3 Schnieder Garcia, kinompronta ng mga suspek ang dalawang biktima kaugnay sa bentahan ng  bawal na droga kung saan nauwi sa pamamaril. Kinumpirma ni Barangay Chairman Rolando Gammad na mga drug pusher ang mga biktima at dalawang suspek.

Show comments