LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang misis na guro habang malubha sa pagamutan ang driver ng habal-habal matapos na sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo na habal-habal dahil sa aso na tumawid sa kalsada sa Barangay Bonbon, Libon ng lalawigan kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pang buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital si Norma Quite, 55, may asawa, guro sa pampublikong paaralan ng Barangay Buga, Libon habang ang sugatan naman ng driber ng habal - habal ay si William Bralde, 41, may-asawa, ng Brgy. Burabod, Libon, Albay.
Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga habang ang mga biktima ay sakay sa motorsiklo (EL–3405) galing sa centro ng Poblacion at patunggo sa Burabod Elementary School upang ihatid ang nasabing guro. Habang binabagtas nila ang kalsada nang isang aso ang bigla na lamang na tumawid at mabilis na nasalpok hanggang sa sumemplang. Tumama ang ulo ni Quite sa semento sanhi ng kanyang kamatayan.