Parak tiklo sa drug bust sa Laguna

MANILA, Philippines – Arestado ang isang pulis at kasabwat niya sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Laguna.

Nakilala ang mga suspek na sina Police Officer 3 Lyndon Herrera, 40, nakatalaga sa Region 4A Intelligence Unit at residente ng New York Street corner Mississippi Street, Landmark Subdivison, Calamba at si Miguel Saludo Morfe, 38, ng San Pedro 2, Malvar, Batangas.

Nasakote ang dalawang suspek matapos pagbentahan ng ilegal na droga ang isang undercover agent ng PDEA nitong kamakalawa malapit sa tinitirahan ni Herrera.

Pitong pakete ng shabu ang nabawi sa mga suspek bukod pa sa isang cellular phone, Social Security System (SSS) identification card, 9-millimeter pistol na may dalawang magazines at P500 na ginamit a marked money.

Nakakulong ngayon sina Herrera at Morfe sa  PDEA RO-NCR jail facility, habang dinala naman sa PDEA laboratory service ang mga nakumpiskang droga.

Nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga ang mga suspek, habang nahaharap din si Herrera sa illegal gun posession.

 

Show comments