2 utas sa salpukan ng 2 bike

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Patay ang dalawang sibilyan habang kritikal naman ang dalawa makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Vicente, San Fernando City, La Union kamakalawa. ? Idineklarang patay sa Ilocos Training ang Regional Medical Center si Jayson Tangalin, 20, habang namatay habang ginagamot ang nakasalpukang si Emmanuel Gudivino, 20. Kasalukuyang nakikipaglaban  kay kamatayan ang angkas ni Gudivino na si Goodlyn Lorenza, 20, habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments