2 magsasaka, pinabulagta

NORTH COTABATO, Philippines - Humabol pa sa Undas ang dalawang magsasaka makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Sitio Kulol Blala, Barangay Lamfugon sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ng Lake Sebu PNP ang mga biktima na sina Rey Yodoc, 42; at Gelizaldo Valencia, 18, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, papauwi na ang mga biktimang sakay ng kabayo na ginagamit sa panghahakot ng kanilang produkto nang harangin at ratratin. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng pulisya para  matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman.

Show comments