Mister pinugutan sa palayan

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 41-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain ay pinugutan pa ng hindi kilalang lalaki sa liblib na palayan sa Barangay Tungawan, bayan ng Sominot, Zamboanga del Sur kamakalawa. Sa ulat ng police regional office na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jorge Calibjo, ka-live-in ni Jupilyn Ebid na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na naglalakad si Councilor Marcus Mangubat nang maispatan nito ang duguang katawan ng biktima kaya kaagad na ipinaabot sa pulisya. Nagtamo ng malalim na sugatan sa katawan kung saan nakalaylay pa ang kaliwa at kanan nitong braso at pinugutan pa. Huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa kaniyang misis na magpapastol lamang ng kalabaw may 700 metro ang layo sa kanilang bahay.

 

Show comments