Kuya pinabulagta ng bunso

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dahil sa paninigaw sa sari­ling nanay, sinaksak at napatay ang 38-anyos na kuya ng kanyang bunsong kapatid kamakalawa ng gabi sa Zone 2, Barangay San Vicente sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gabriel Narvaez habang naaresto naman ang suspek na si George Narvaez, 32, kapwa magsasaka at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, dumating sa kanilang bahay ang biktimang senglot kung saan pinagsisigawan ang sari­ling nanay. Tinangkang awatin ng suspek ang kanyang kuya subalit  nagalit ito hanggang sa mauwi sa pananaksak. Tumakas ang suspek subalit sa follow-up operation ng pulisya ay nasakote naman.

 

Show comments