Ina, 2 anak nalunod

MANILA, Philippines - Nilamon ng dagat ang mag-iina matapos tangayin ng malakas na alon sa karagatan ng Barangay Bolong, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mag-iina na si Emely Angeles, Jay -ar Angeles, at si Ana Marie Angeles, 9, mga nakatira sa Sitio Bucana sa nasabing barangay. Nabatid na napagawi ang mga biktima sa malalim na bahagi ng karagatan hanggang sa tangayin ng malakas na alon. Agad rumesponde ang rescue team ng Bolong Community Police Action Center  sa pamumuno ni PO3 Ariel Jurrail. Ilang oras matapos ang insidente, magkakasunod na  lumutang ang bangkay nina Emely Angeles at Ana Marie Angeles habang patuloy naman ang paghahanap kay Jay-ar.

 

Show comments