CamNor guv nag sorry na

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagbubukas ng bagong linggo, nais ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na magkaroon ng bagong yugto sa kanyang buhay sa paghingi ng tawad sa mga nadamay sa kinasangkutang kontrobersya.

Sa flag ceremony ngayong Lunes sa kapitolyo ng lalawigan ay humingi ng paumanhin si Tallado sa kanyang pamilya at nasasakupan matapos kumalat ang kanyang pribadong larawan at video kasama ang umano'y kalaguyo.

Unang pumutok ang isyu sa pamilya ng gobernador ng madukot umano ang kanyang asawa na kalauna'y lumutang at sinabing nangangamba siya sa kanyang buhay dahil sa galit ni Tallado sa kanya.

Umapela rin ang gobernador na bigyan sila ng privacy at huwag nang ikalat pa ang mga pribadong larawan at video.

Show comments