Magsasaka inutas ng 4 senglot

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Hindi na umabot sa Undas ang 38-anyos na magsasaka matapos itong pagtulungang gulpihin ng apat na senglot na kapitbahay na may matinding galit kamakalawa sa Barangay Minanga, bayan ng San Mariano, Isabela. Namatay habang ginagamot sa San Mariano Community Hospital ang biktimang si Roger Dela Peña habang arestado naman ang mga suspek na sina Jimmy dela Cuz, 25; Danilo dela Cruz, 26; at si Daniel dela Cruz, 26; at ang pinsan na si Jomar Ascueta, 26, mga kaanak ni Roger na nagtanim ng galit sa kanya sa hindi nabatid na dahilan.? Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Bonifacio Gannaban, katatapos lang mag-inuman ang mga suspek nang kaladkarin nila ang biktima mula sa kanyang bahay kung saan pinagtulungan paluin ng dos-por-dos.

Show comments