Magbiyanan utas sa balon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magbiyanan makaraang ma-suffocate sa malalim na balon sa Barangay Andarayan, bayan ng Delfin Albano, Isabela kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Roberto Guiyab, kinilala ang dalawa na sina Rudy Gantala, 47; at Renato Mallari, 20, ng nasabing barangay. Napag-alamang lumusong ang dalawa sa may 17 metrong lalim na balon na walang tubig. Sa pag-aakalang ligtas na hukayin ang balon para magkatubig ay nawalan ng malay at tuluyang namatay ang dalawa dahil sa kawalan ng hangin.

Show comments