^

Probinsiya

2 binatilyo dedo sa aksidente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang kabataang lalaki ang nasawi habang dalawa pang pasahero ang sugatan matapos na maaksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Dumangas, Iloilo noong Lunes ng gabi.

Ang mga nasawi ay sina Rey Defino at Reynaldo Dillio, 16. Ang mga sugatan ay nakilalang sina John James Diaz at Ronnie Dumancas na ginagamot sa ospital sa Iloilo City.

Sa ulat, kagagaling lang ng mga biktima sa bahay ni Defino at habang pauwi na sila at binabagtas ang kalsada patungong bayan nang isang motorsiklo ang nag-overtake sa kanila sa may Bonifacio Street. Nagpagewang-gewang at nawalan ng balanse ang motorsiklo kung saan nakasakay ang mga biktima  hanggang sa bumangga sa ramp ng entrance ng isang paaralan at tumama sa pader. Wala umanong suot na helmet at hinihinalang nasa impluwensya sila ng alak ang mga biktima nang maganap ang insidente.

BONIFACIO STREET

DALAWANG

DEFINO

DUMANGAS

ILOILO

ILOILO CITY

JOHN JAMES DIAZ

REY DEFINO

REYNALDO DILLIO

RONNIE DUMANCAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with