Suspek sa pagaptay sa UE prof timbog

MANILA, Philippines –  Nasakote na ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa propesor ng University of the East kahapon.

Nakilala ang suspek na si Jeremiah Zamora na napag-alamanang nasangkot na sa magkakaibang kaso tulad ng pagnanakaw at pagtutulak ng droga.

Si Zamora ang itinuturong nasa likod ng pagpatay kay Dr. Randy Velayo na natagpuang may 60 saksak sa katawan sa loob ng kanyang bahay sa Meycauayan, Bulacan.

Base sa pangunang imbestigasyon, nagtungo ang suspe sa bahay ni Velayo upang makipag-inuman at mag-videoke.

Bukod sa pagpatay ay nikawan din ang biktima na nawawala ang isang mobile phone at tablet.

Tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang kasama ni Zamora sa krimen.

Show comments